Ang talbos ng kamote o sweet potato leaves ay ilan sa mga gulay hindi nangangailangan ng mabusisi at matinding pag-aalaga upang tumubo ng maayos.
Ayon sa mga eksperto ang talbos ng kamote ay mayaman sa vitamin c, vitamin b, zinc, potassium, sodium, manganese, calcium, magnesium at iron.
Ang talbos ng kamote ay tumutulong sa mga may sakit na diabetes dahil mayroon itong anti-diabetic compound na makakatulong upang mapababa ang blood glucose content sa katawan.
Ito rin ay panlaban sa anemia para sa mga kulang sa red blood cells o hemoglobin at mainam para sa kalusugan ng mata dahil ito ay may taglay na lutein. —sa panulat ni Airiam Sancho