Nilinaw ng Philippine National Police na walang kaugnayan sa pambobomba sa Davao City ang pagkaka-aresto kay Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdul Wahab Sabal.
Ayon kay PNP Spokesman, Senior supt. Dionardo Carlos, wala pang beripikadong impormasyon na sangkot si sabal sa pambobomba.
Gayunman, iniimbestigasyon pa anya nila ang posibilidad lalo’t nahulihan ang bise alkalde at dalawa nitong bodyguard ng improvised explosive device sa Awang Airport sa Maguindanao.
Samantala, iginiit ni Morsheed Manepel, nakababatang kapatid na lalaki ni Sabal na nagtataka ang kanilang pamilya kung bakit iniuugnay ang kanyang kuya sa pambobomba sa Davao.
By: Drew Nacino