Pinadapa ng Talk ‘n Text Tropang Texters ang KIA Carnival sa elimination round ng Philippine Basketball Association (PBA) sa iskor na 94-85.
Nanungan sa panalo ng Tropang Texters si Jayson Castro na nakasikwat ng 19 na puntos na sinegundahan naman ni Ranidel de Ocampo na may 14 na puntos.
Dahil dito, buo ang pag-asa ng Tropang Texters na makapasok sa quarterfinals na kasalukuyang nasa ika-pitong puwesto na may limang panalo at anim na talo sa PBA.
Lumasap naman ng ikatlong sunod na pagkatalo ang KIA dahilan upang bumagsak ito sa ika-siyam na puwesto dahil sa apat na panalo at anim na talo nito kasama ang koponan ng Barangay Ginebra.
By Ralph Obina