Sinalubong ng hiyawan ng mga raliyista ang pagsisimula ng talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite.
Humalo sa mga dumalo sa okasyon ang mga raliyista at saka paulit-ulit na isinisigaw ang mga katagang “Huwad na kalayaan, Duterte patalsikin.”
Dahil dito, sinimulan ng Pangulo ang kanyang talumpati sa pagsasabing, ginagarantiyahan ng konstitusyon ang kalayaan sa pagpapahayag kaya’t dapat itong igalang.
“Our constitution guarantees freedom of the press, freedom of assembly and freedom of expression. I will understand. Mahal ko kahit ang mga nag-protesta.”
“We might not understand each other but we have a common denominator, our love for country.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-