Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kaaway ng Simbahang Katolika at tutulong siya sa paghahanap ng katarungan para sa mga napapatay na pari.
Iyan ang inihayag ng Palasyo sa harap na rin ng mga birada ng Pangulo sa simbahan bunsod ng pakikialam umano nito sa mga usaping pulitikal na ayon sa Pangulo ay nasa ilalim na ng kaniyang tungkulin.
Nang pangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng lupain sa Cabatuan, Iloilo kahapon, natapat pa sa pagpapatunog ng kampana ang pagpuna ng Pangulo sa mga iligal na gawain ng mga pari.
“May dasal kayo niyan? If there’s a — ‘yung mga Katoliko magdasal tayo dito. Baka magalit ang pari.”
‘Yung — ang pari na binaril, siya ‘yung mag-blow out ng baptism ng kanyang anak. Siya mag-baptize, siya rin ang mag-blow out.” Ani Pangulong Duterte
“Magkabit ka ng pulis, magkabit ka ng asawa ng vice mayor , eh magkabit ka ng mga negosyanteng may pera, mamamatay ka talaga.”
Sa huli, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos kaya’t dapat hayaan na lamang simbahan na gawin ang kaniyang tungkulin na ayusin ang bayan.
“‘For whom does the bell tolls; it tolls for thee.’”
“Nakalimutan ko kung sinong… Kanino ‘yang tolling of the bells. Para sa iyo ‘yan.”
—-