Sinabi ni Senator-elect Sherwin Gatchalian na tama lamang ang naging pahayag ni President Rodrigo Duterte na gagawin niya ang kanyang trabaho at gagawin din ng Kongreso ang trabaho nito.
Dapat naman aniyang gampanan ang kani-kanilang sinumpaangh tungkulin.
Pagdating naman, aniya, sa Commission on Human Rights, dapat lang na ipagpatuloy nito ang pag-imbestiga sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
By: Avee Devierte