Dead on arrival sa ospital ang isang binata matapos pagsasaksakin ng sariling ama sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktimang si Edrian Quejano, 19- anyos at Amang si aRnold, 46- anyos.
Ayon kay Col. William Angway, Hepe ng Sariaya Municipal Police, sinita umano ni Arnold ang anak dahil umano sa katamaran nito na nauwi sa pagtatalo.
Inundayan ng saksak ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agad nitong pagkamatay.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nakatatandang Quejano na posibleng maharap sa kasong Parricide. —sa panulat ni Mara Valle