“Proper ventilation”
Ito ang inihayag ni Department Of Health Director Dr. Bevrly Ho, isa ito sa pinakaimportanteng paraan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Maliban aniya sa pagsusuot ng facemask, face shield, paghuhugas ng kamay at social distancing kailangan magkaroon ng tamang ventilation lalo na sa mga closed spaces.
Sinabi ni Dr. Ho sa laging handa briefing, mainam na makapag-circulate ng tama ang hangin sa tahanan, sasakyan at sa mga working places.
Maganda rin aniya kung outdoor upang maayos ang bentilasyon at maliit ang tiyansa na kumalat ang virus.
Paalala ni Dr. Ho na kailangan sumunod sa mga ipinapatupad na health and safety protocols upang matuldukan ang pagkalat ng virus sa bansa.