Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na holiday pay na dapat ibigay sa mga empleyadong magtatrabaho sa November 18 at 19.
Ayon kay Baldoz, iiral sa mga araw na ito ang no work no pay maliban na lamang kung mayroong sariling panuntunan ang kumpanya na nagbibigay ng dagdag suweldo sa mga deklaradong special holiday.
Tatanggap ng dagdag na 30 porsyento ng kanilang daily rate ang mga empleyadong papasok sa November 18 at 19 at karagdagang 30 percent kung lalampas sila sa 8 oras na trabaho.
50 percent naman ang holiday pay kung matataon ang November 18 at 19 sa kanilang day off.
Deklaradong special non working holiday ang November 18 at 19 dahil sa APEC Summit.
By Len Aguirre