Pinaalalahanan ng DOLE o Department of Labor and Employment ang mga employer sa tamang pagbabayad sa holidays tulad ng pasko-December 25, bagong taon-January 1 at maging Rizal Day-December 30.
Ayon sa DOLE may bayad pa rin ang mga empleyadong hindi papasok sa mga nasabing petsa at doble ito o 200 porsyento kapag nag trabaho sa unang walong oras.
Dagdag na 300 porsyento ng kanilang rate kada oras ang ibabayad sa nag trabaho ng higit pa sa walong oras.
At kapag tumapat naman ng kanilang day off ang mga nasabing petsa subalit pumasok sila ang mga naturang empleyado ay babayaran ng dagdag na 30% ng kanilang daily rate ng 200 percent.