Umaabot sa halos 20,000 tonelada ng mga basura ang nalilikha ng mga kabahayan sa buong bansa kada araw.
Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), 50% sa mga basurang ito ay nabubulok habang 25% ang binubuo ng mga plastik na maaaring ma-recylce.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, hindi ang basura mismo ang problema ng bansa kundi ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino na bawasan at paghiwa-hiwalay ang basura.
Dagdag ni Antiporda, kulang din sa kaalaman at impormasyon ang mga Pilipino dahilan kaya nagkakahalo-halo ang mga basura sa bansa at nagiging kontaminado.
Iginiit ni Antiporda, sa ngayong kanila nang isinusulong ang pagpapakalat ng impormasyon at pagtuturo sa mga tao para sa tamang pagbubukod-bukod ng mga basura.