Mandatoryo ang pagsunod sa health protocols para sa mga tao ngayong nahaharap ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, isa sa kailangan ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkahawa sa virus.
Narito ang mga hakbang para maayos na mahugasan ang ating kamay.
- Basain ang kamay ng tubig
- Maglagay ng sabon sa buong kamay maging sa pulso
- Ikuskos ito ng tuloy-tuloy, tiyaking nasasama ang daliri, kuko at pagitan ng daliri
- Kuskusin ulit ng dalawampung segundo bago hugasan ng malinis na tubig
- Tuyuin sa pamamagitan ng malinis na towel – sa panulat ni Abigail Malanday