Nagbigay paalala ang Department Of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers sa tamang pasahod sa kanilang empleyado na papasok ngayong araw ng labor day.
Nakasaad sa Advisory no.7 na ang sinumang empleyado na papasok sa regular holiday ay makakatanggap ng doble sa kanilang arawang sahod.
Samantala, hindi kasama rito ang mga nagsarang establisyimento na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Bukod dito, kasama sa advisory na ang mga empleyadong hindi pumasok ngayong araw ay makakatanggap pa rin ng 100% ng kanilang arawang sahod.
Habang ang mga empleyado na pumasok ng mahigit walong oras ay mababayaran ng karagdagang 30% ng kanyang sinasahod kada oras dagdag pa sa 200% na kaniyang tatanggapin.
Samnatala, ganun din ang sistema kapag ang empleyado ay pumasok sa araw ng kanyang day-off at overtime ngayong araw ng paggawa.— sa panulat ni Rashid Locsin