Ngayong araw inaasahang na maso-sold out ang ticket para sa inaabangang Eat Bulaga sa tamang panahon sa October 24 sa Philippine Arena.
Ayon sa Facebook post ng Philippine Arena, 6 na oras matapos ianunsyo kahapon ng Eat Bulaga ang nasabing event, naka benta na agad sila ng higit 30,000 ticket. Nagkaroon nga anila ng problema sa kanilang websites dahil sa dami ng bumibili ng ticket.
Nagkakahalaga ng 1,500 pesos ang pinakamahal na ticket habang 150 naman ang pinaka murang ticket.
Ayon naman sa ilang netizens, hindi malayong mapuno ng nasabing Eat Bulaga event ang buong Philippine Arena na mayroong 55,000 seating capacity.
By: Jonathan Andal