Alam niyo ba na ang mata ang pinaka-mahalagang sensory organ ng tao? Kung kaya’t importante na pangalagaan natin ang ating paningin.
Isa sa mga pangunahing paraan ng pag-aalaga sa ating mata ay ang pagkain ng masusustansyang pagkain.
Ang mga pagkain na siksik sa nutrients tulad ng Lutein, Omega-3 fatty acid, Zinc, Vitamin A, C at E ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng glaucoma, katarata, at macular degeneration.
Bukod sa pagkakasakit sa baga, may kaugnayan din ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng sakit sa mata katulad ng panlalabo at katarata kaya’t kung maaari ay iwasan ito.
Iwasan ang pagbababad sa mga gadget screens tulad ng TV, cellphone at tablet para hindi manlabo o manuyo ang mata at magka-eyestrain.
Nakatutulong din ang regular na pagbisita sa doktor upang malaman ang mga senyales kung ikaw ay mayroon nang masakit sa mata. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post