Bilang bahagi ng Philippine Heart Month, narito ang ilang tips kung paano mapapangalagaan ang ating mga puso.
Una, bawasan ang pagkonsumo ng maaalat na pagkain, iwasan ang processed food, at palitan ang sweetened snacks ng mga prutas.
Ikalawa, magbawas ng timbang kung overweight para makaiwas sa cardiovascular disease.
Ikatlo, dagdagan ang regular na physical activity.
Ika-apat, iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak;
At siguruhing regular ang pagpa-pacheck ng blood pressure at blood sugar. —sa panulat ni Roma Molina