Ang “Sanitation” o sanitasyon ay isang pangkalinisang gawain o pamamaraan na ang layunin at iwasang magkaroon ng kontak ang mga tao o ang mga sanhi ng sakit mula sa kapaligiran upang mapanatili ang kalusugan.
Ayon sa mga eksperto, ang sanhi ng mga sakit ay maaaring pisikal, kemikal, mga mikrobyo, at iba pa na maaaring makuha sa mga basura, maduming tubig at hangin, at mga ingay.
Dahil dito, ipinapayo ang paggamit ng solusyon tulad ng paglalagay ng maayos na imburnal, simpleng teknolohiya sa pamamagitan ng pagtatayo ng palikuran na may poso negro o kaya’y sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay na may gamit na sabon o disinfectants.
Ang sanitasyon, ayon sa mga eksperto, ay maaari ding gamitin sa isang konsepto, lugar, istratehiya, programa o anumang aspeto.