Inilabas na ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang tamang pagkwenta ng pamasahe sa mga taxi ngayong nalalapit na Holiday season.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng lawyers for commuters safety and protection, nakabatay ang listahan sa inilabas na taripa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, kung saan ito ang dapat na plug down rate.
Sa TNVS Sedan, dapat ay 40 pesos ang plug down rate, 50 sa TNVS premium at 30 pesos sa TNVS hatchback.
Ang dagdag pasahe naman kada kilometro sa TNVS Sedan ay 15 pesos, 18 pesos sa TNVS premium at 13 pesos sa TNVS hatchback.
Samantala, dalawang piso ang dagdag pasahe kada minuto sa mga taxi.