Kumpiyansa ang Hall of Famer Coach na si Nacho Beristain na maabot ng kanyang alagang si dating WBC Middleweight Champion Julio Cesar Chavez Jr., ang tamang timbang para sa pagharap nito kay Saul “Canelo” Alvarez sa Mayo 6 sa Las Vegas.
Sinabi ni Beristain mayroon pang isang buwan bago ang laban, at tiyak na kayang tanggalin ni Chavez ang nalalabing 7.5 pounds para maabot ang catch weight na 164.5 pounds.
Sinimulan narin aniya nila ang arawang sparring session, katulong sina Javier Ortega at Alejandro Barrera.
By Katrina Valle