Ipinadala na pabalik ng South Korea ang libo libong tonelada ng basura na nasa Misamis Oriental.
60 container vans na mayroong higit 2,000 tonelada ng basura ang ibinalik sa South Korea kahapon, Enero 19.
Nakatakda namang ipadala ang natitira pang basura sa susunod na buwan.
Magugunitang 5,000 tonelada ng basura ang ilegal na ipinadala sa bansa noong Hulyo 2018.