Ang mga botante ang magpapasya kung susuportahan nila ang tambalan ng mag-ama na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa isang radio interview ukol sa tandem ng mag-amang Duterte bilang Presidente at Vice President sa 2022 National Elections.
Ayon kay Yap, sa araw mismo ng eleksyon magkakaalaman kung gusto ng mga tao ang mag-ama na lumabas sa isang survey.
Matatandaang sa lumitaw sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na nangunguna ang tambalan ng mag-ama bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo sa halalan.
Si Yap ay kilalang tagasuporta ng pamilya Duterte simula pa nang maupo ito sa kongreso noong 2019.