Muling nanguna ang tambalan nina presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte sa mga napupusuang iboto ng mga pilipino bilang presidente at bise presidente sa 2022 sa pinakahuling survey ng Publicus Asia Inc.
Nakakuha ng 51.9% ng mga boto si Marcos habang si Inday sara naman ay nakakuha ng 54.8%.
Parehong tumaas din ang nakuhang bilang ng BBM-Sara Uniteam kumpara sa third quarter survey nitong taon sa “2021 pahayag” fourth quarter survey ng publicus na isinagawa noong Disyembre 6 hanggang 10. Ang nasabing survey ay may 1,500 respondents.
Mula sa 49.3% noong third quarter, nakakuha si Marcos ng 51.9% habang kapansin-pansin rin ang pangunguna ni Mayor Sara sa pagka-bise presidente matapos makumpirma ang tambalang BBM-Sara Uniteam.
Samantala, pumangalawa naman sa pwesto si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na nakakuha naman ng 20.2% na mas mababa ng halos isang porsyento kumpara noong third quarter. Sumunod naman si Manila Mayor Isko Moreno na mayroong 7.9%; Senator Bong Go, 3.9%; Sen. Panfilo Lacson, 3.4%; Sen. Manny Pacquiao, 2.3%; Ernesto Abella, 0.5%; Ka Leody De Guzman, 0.2%; at retired Gen. Antonio Parlade, 0.2%. Aabot namans a 8.3% ang undecided.
Malaki rin ang agwat ni Mayor Sara sa kanyang mga kalaban sa pagkabise-presidente kay Doc Willie Ong na nakakuha lamang ng 11.2%; Sen. Vicente Sotto III, 11.0%; Sen. Francis Pangilinan, 9.7%; Rep. Lito Atienza, 1.5%; at Walden Bello, 0.7%. Nasa 9.5% naman ang undecided.
Pinakamaraming nakuhang boto si Marcos sa Mindanao na may 62%; sinundan ng Northern Central Luzon kung saan nakakuha ng 59.1%; 48.9% naman sa Visayas;43.5% sa Southern Luzon at 39.7 sa Metro Manila.
Nanguna naman si Inday Sara sa Mindanao na nakakuha ng 78.6%, 58.8% sa Visayas, 52% sa Northern Central Luzon, 5%; Southern Luzon 39.9%; at 33.9% sa NCR.