Malaki umano ang posibilidad na mabuhay muli ang tambalang Cayetano – Duterte sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.
Ito ang ipinahiwatig ni Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano makaraang ihayag ng malakanyang na kinukonsidera na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente.
Gayunman, sinabi ni Cayetano na ayaw niya munang pangunahan ang magiging desisyon ng pangulo lalo pa’t hindi pa tapos ang nangyayaring guessing game sa bansa.
Dagdag pa ni Cayetano, hindi na uso ang pagpapa-cute, pakipot o popular na kandidato sa halip ay kailangan ngayon ng bansa ang isang pinunong may matibay na political will tulad ni Pangulong Duterte. —ulat mula kay Patrol 7 Jill Resontoc