Pinabulaanan ng magka-loveteam na Enrique Gil at Liza Soberano na magkarelasyon na sila.
Sa kabila ng pagiging pinakamalapit na lalaki sa buhay ni Liza, nilinaw ni Enrique na may ibang bagay pa silang dapat unahin kaysa pakikipagboyfriend at girfriend.
Gayunpaman, inamin ni Enrique na nagde-develop ang antas ng pakikipagkaibigan nila sa isa’t isa.
Una nang inamin ni Liza na may romantic feelings siya kay Enrique ngunit pinayuhan sila ng kanyang ama na maghintay na lang muna.
Minsan nang sinabi ni Enrique na handa siyang maghintay na mag-18 si Liza bago niya ito pormal na ligawan.
Ngunit kahit pa nakapagdiwang na ng 18th birthday si Liza noong January 4, hindi pa rin, aniya, siya handang pumasok sa isang relasyon.
By Avee Devierte