Niluluto na ang administrasyon ang tambalang Roxas-Robredo sa 2016 national elections.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kinakausap na ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si Congresswoman Leni Robredo para maging Bise Presidente nito pantapat sa Poe-Chiz tandem.
Magkasama ngayon sina Roxas at Robredo sa Naga para mag-ikot at magpakilala sa mga Bikolano.
Gayunman, sinabi ni Valte na wala pang tuwirang tugon si Robredo kung tatanggapin ang alok ng administration party.
By: Meann Tanbio | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)