Maging si Tanauan, Batangas Mayor Anthony Halili na tinaguriang “Duterte ng Batangas” ay hindi nakaligtas sa ‘oplan tokhang’ ng pulisya.
Ito’y bunsod ng pinaigting na kampanya ni Halili at ng Philippine National Police o PNP laban sa kriminalidad.
Sinasabing kabilang si Halili sa listahan ng mga high-value targets ng PNP DAHIL sa umano’y protektor ito ng illegal drugs.
Nagtungo si Tanauan Police Chief Superintendent Robert Baesa sa tanggapan ni Halili para kuhanan ng mga impormasyon at papirmahin sa isang dokumento na may kaugnayan sa mga nagsisisukong drug suspects.
Binigyang diin naman ni Halili na pulitika ang dahilan kaya isinasangkot siya ng kanyang mga kalaban sa iligal na droga.
Matatandaang nakilala si Halili sa kanyang ‘shame campaign’ laban sa mga kriminal kung saan ipinaparada pa sa publiko ang mga nahuhuling suspek.
By: Jelbert Perdez