Nagulat si Tanauan, Batangas Mayor Anthonio Halili nang makatanggap siya ng sulat kaugnay sa isinasagawang Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.
Ipinaliwanag ni Halili na kaya hindi siya lumagda sa naturang sulat dahil maliban sa wala siyang kinalaman sa operasyon ng droga, minabuti niyang magsumite nalang ng affidavit kung kakailanganin.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Antonio Halili
Naniniwala din si Halili na mayroong kinalaman sa pulitika ang pagpapadala sa kanya ng sulat, dahil ang manugang ng kanyang naging kalaban noong nakaraang eleksyon, ay napatay dahil sa drug operations.
Bahagi ng pahayag ni Antonio Halili
By Katrina Valle | Ratsada Balita