Nakaantabay na ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng Tandag City sa posibleng flashfloods at landslides sa Surigao del Sur.
Ito’y dahil sa nararanasang malakas na pag-ulang dala ng shear line dahilan upang itaas ang red warning level sa lungsod at ilang bayan sa nabanggit na probinsya.
Ayon kay Vitchie Bandoy, Tandag City CDRRMO Head, naka-activate na ang kanilang Emergency Operations Center bilang paghahanda sa posibleng pagbaha.
Kabilang anya sa kanilang tinututukan ang mga flood at landslide prone area.
Samantala, ipinag-utos naman ni Tandag City Mayor Roxanne Pimentel ang pagbabawal sa pagpalaot at paliligo sa dagat. –sa panulat ni Jenn Patrolla