Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa kanto ng Tandang Sora Avenue at Commonwealth Avenue sa Quezon City, simula sa Pebrero 23.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Jojo Garcia, simula alas 11:00 ng gabi sa susunod na Sabado ay isasara ang Tandang Sora Flyover para sa konstruksyon ng MRT 7.
Tatagal ng dalawang taon ang closure na maka-aapekto sa mahigit 100,000 motoristang dumaraan sa Commonwealth Avenue at nasa 2,000 hanggang 3,000 motoristang dumaraan sa Tandang Sora Intersection kada araw.
Pansamantalang padaraanin ang mga motorista sa isang temporary u-turn slot na 500 metro mula sa Tandang Sora Intersection.