Pinasisilip ni Senador Risa Hontiveros sa Department Of Labor and Employment (DOLE) ang mass retrenchment ng halos 500 regular employees ng canned pineapple producer at exporter DOLE Philippines Incorporated.
Sa kaniyang sulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III sinabi ni Hontiveros na hindi naman nalugi ang kumpanya sa mga nakalipas na taon para legal nitong ma-justify ang lay offs sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Binigyang diin ni Hontiveros na ang annual audited financial statement ng DOLEFil ay kontra sa claim ng kumpanya na nalugi ito sa pag-isyu ng notification for termination ng mga empleyado nito nuong Setyembre.
Kinuwestyon din ni Hontiveros ang pagpafile ng notice noong Setyembre 18 o 3 araw bago ang aktuwal na termination ng mga manggagawa.
Naniniwala si Hontiveros na “in bad faith” ang ginawang pagsibak sa mga empleyado ng DOLE Philippines lalo’t lumalabas na naunang inalis sa trabaho ang mga regular employees sa halip na mga contractuals.
Nakaka-alarma rin aniya sa kabila nang pagregular ng DOLE Philippines sa P5K empleyado nito noong 2018 bilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa endo nagpatuloy pa rin itong mag hire ng contractual workers na malinaw na pagsisinungaliung sa basehan ng retrenchment sa regular workers nito.