Nilusob ng mga militanteng estudyante ang Commission on Higher Education (CHED) para i-protesta ang napipintong dagdag matrikula.
Binigyang diin ng Kabataan Party list group at National Union of Students of the Philippines na dapat pagandahin na lamang ang kalidad ng edukasyon kaysa itaas ang matrikula at iba pang bayarin.
Dahil dito hinimok ng mga grupo ng mga estudyante ang CHED na ibasura ang mga nakaambang pagtataas ng matrikula sa mahigit 1,000 paaralan ngayong school year 2019-2020.
Naghain din ang mga nasabing grupo ng petisyon sa CHED para hilinging maglabas ng memorandum na pipigil sa pag kolekta ng mga hindi mahahalagang school fees para mabawasan ang pasanin ng mga estudyante.