Kinalampag ng mahigit sa 100 miyembro ng grupong kilusang Mayo Uno at bagong alyansang makabayan ang tanggapan ng DOLE o Department of Labor and Employment sa Intramuros, kaninang umaga.
Ito ay upang iparating ang kanilang pagtutol sa nilagdaang Department Order 174, kahapon, na ayon sa kanila ay magagamit lamang para lalong gipitin ang karapatan ng mga manggagawa.
Maliban sa pagyuyugyog sa mga pintuan ng DOLE, binato rin ng mga ito ng itlog ang signage ng tanggapan at sinulatan ito ng “DO 174 inutil.”
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco