Ni – raid ng National Bureau of Investigation at PNP – Criminal Investigation and Detection Group ang mga tanggapan ng Kabus Padatoon o Kapa Ministry International sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kasunod ito ng naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang tinawag niyang investment scam at arestuhan ang mga opisyal nito.
Kasama sa pinasok ng mga otoridad ang bahay ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa General Santos City gayundin ang mga tanggapan ng Kapa sa Rizal, Tagum at iba pa.
Sarado ang mga tanggapan ng Kapa bilang paghahanda sa isasagawang prayer rally ng grupo sa Hunyo 12 para sa prayer week.
Una nang nag isyu ang Securities and Exchange Commission ng cease and desist order dahil sa pag ooperate ng kumpanya ng walang lisensya mula sa SEC.
Sa kabila ay nagpatuloy pa rin sa operasyon ang Kapa at pagtanggap ng investment o donasyon para sa kumpanya kapalit ang hindi bababa sa 30 porsyentong tubo o tinawag nilang blessing.
Samantala, umapela naman ng dasal sa kanilang mga miyembro ang Kapa Ministry dahil umano sa panggigipit na kanilang nararanasan sa ngayon.