Dinagsa ng daang-daang mga aplikante para sa TNVS o Transport Network Vehicle Service ang tanggapan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City.
Nagpalipas na ng magdamag sa labas ng LTFRB ang karamihan ng mga aplikante para lamang makaabot sa Cut Off ng ahensiya na isang 1500 kada araw na ipoproseso para mabigyan ng pansamantalang permit para makabiyahe.
Inirereklamo naman ng ilang mga aplikante ang kawalan ng assistance mula sa LTFRB kung saan walang inilagay na sisilungan o holding area sa labas ng tanggapan ng ahensiya.
Samantala dumating naman kaninang umaga ang mga tauhan ng Grab para magbigay ng pagkain at payong sa mga aplikanteng TNVS Driver.