Nadadagdagan pa ang mga tanggapan ng gobyerno at public utility na nagsususpinde ng kanilang operasyon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos ianunsyo ng Metropolitan Cebu Water District (MCWD) na pansamantala muna nilang isasara ang kanilang tanggapan matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang empleyado.
Ayon kay Water District Spokesperson Edna Inocando, maliban sa isang kawani ang nagpositibo sa sakit, isa pa nilang empleyado ang nasawi ngunit hanggang sa ngayon ay kinukumpirma pa kung ito ay dahil sa naturang virus.
Dahil dito aniya ay kailangan idsinfect ang naturang gusali at magkakaroon ng mga pulong kung papaano magpapatuloy ng operasyon sa kabila ng sitwasyon.
Samantala, ipinabatid naman ng MCWD na maaaring magbayad ng bills ang kanilang mga customer sa pamamagitan ng official website ng water district at sa mga bangko.