Balik operasyon na ang tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) 1 office -Baguio City ngayong araw.
Ito’y matapos suspindihin ang pasok sa ahensya dahil sa nangyaring magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon.
Maliban sa nabanggit na opisina, balik normal operasyon na rin simula ngayong araw ang lahat ng NHA District at satellite offices sa Region 1 at CAR 1.
Patuloy namang nararamdaman sa iba’t-ibang bahagi ng North Luzon ang mga aftershocks sa nangyaring lindol kaya patuloy ang paalala ng PHIVOLCS na magdoble ingat.