Mananatiling sarado ang mga tanggapan ng Ombudsman sa Quezon at Davao Cities hanggang January 28 dahil sa naka-aalarmang pagtaas ng COVID-19 cases.
Pinagbawalan muna ng Office of the Ombudsman sa mga nasabing lungsod ang kanilang mga empleyadong pumasok sa kanilang mga tanggapan upang ipatupad muna ang Isolation at Quarantine protocols at mabawasan ang hawaan sa mga personnel.
Ipagpapatuloy ng mga empleyado ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng Work from Home setup.
Wala ring Filing ng Pleadings, Motions, Affidavits at iba pang dokumento habang balik sa January 31 ang Period of Filing.
Samantala, magpapatuloy ang Antigen testing ng mga empleyado sa Quezon City office hanggang ngayong araw habang ide-decontaminate at idi-disinfect ng Bureau of Fire Protection ang gusali ng Ombudsman sa Davao City.