Nagbukas na ang tanggapan ng Philippine Embassy sa Wellington sa New Zealand matapos bahagyang luwagan ang restrictions kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Una nang nag operate ang embahada ng bansa sa pamamagitan ng work from home sa nakalipas na pitong linggo kung kailan nakataas ang alert level 4 sa buong New Zealand.
Habang naka lockdown nag ayos ng repatriation flight ang embahada para sa stranded pinoys at nagbigay ng pagkain sa mga apektadong residente.
Bago magbukas muli sumunod ang embahada ng bansa sa safety regulations ng New Zealand tulad ng sanitation, personal protective equipment, safe work stations at contact tracing mechanism.