Pinababakante na ng Malakanyang kay National Youth Committee (NYC) chair Ronald Cardema ang kaniyang tanggapan.
Ito’y matapos maghain ng petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) si Cardema para maging substitute nominee ng partylist group na Duterte youth.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang petisyong inihain ni Cardema noong Mayo 12 ay malinaw na siya ay ikinukunsiderang “ipso facto resigned” mula sa kaniyang kasalukuyang posisyon.
Handa aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng taong may malinis na interes at iniisip ang kapakanan ng mga kabataan sa bansa.
Inatasan din si Cardema na i-turnover ang lahat ng mga opisyal na dokumento na nasa kaniyang pangangalaga.