Ikinadismaya ni Senador Panfilo Lacson ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayagan ng pamahalaan ng China na patalsikin siya sa puwesto.
Ayon kay Lacson, ang Pilipinas ay isang demokratiko at sovereign country kaya walang ibang dayuhang bansa ang maaaring tumukoy sa ikabubuti nito.
Iginiit ni Lacson tanging Pilipinas at mamamayang Filipino lamang ang makakapagpasiya kung ano ang nararapat sa ating bansa.
Samantala binigyang diin naman ni Senador Kiko Pangilinan na hindi dapat sa sumasandal lamang sa China si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kuwestiyon ng senador, ang pananahimik ba ni Pangulong Duterte sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea ay kapalit ng ginawang pagtitiyak sa kanya ni Chinese President Xi Jinping na hindi siya mapapatalsik sa puwesto.
Dagdag pa ni Pangilinan, tila inuuna lamang aniya ni Pangulong Duterte ang kanyang pansariling interes sa pagkiling at pagsandal nito sa China.
—-