Nilinaw ni Environment Secretary Gina Lopez na walang maaapektuhan sa pagkansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga inilabas na mineral production sharing agreement sa ilang mining companies.
Ito’y ayon kay Lopez ay dahil hindi pa operational ang mga nasabing kumpaniya at wala pang naitatayong istruktura malapit sa mga watershed.
Gayunman, sinabi ni Lopez na handa siyang tumulong sa pagbibigay ng trabaho kung mayroon mang naapektuhang manggagawa mula sa mga apektadong kumpaniya.
“Ang alam ko that in a green economy mas maraming tao ang may pakinabang, dito walang taong mawawalan ng trabaho.” Ani Lopez
May buwelta rin si Lopez sa babala ng mga mining companies na haharangin nila ang kumpirmasyon sa kalihim ng makapangyarihang Commission on Appointments.
“I’m really not a politician, I will just do the right thing, why will I say okay, you can mining watershed dahil gusto ko ang confirmation ko? The reason why I’m doing this because I find politics unpredictable, you don’t know what going to happen so now that I’m still here, let me do all the good that have to be done.” Pahayag ni Lopez
Sa huli, binigyang diin ni Lopez na patuloy niyang gagawin kung ano ang sa tingin niyang tama batay sa tiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“In the law it says that if a cabinet secretary makes a decision he/she makes a decision and it is recommended to all (agencies), if they (mining companies) appeal and then the President decides, that’s his choice, if he feels that the policy is not good, he can override anything, he’s the President.” Pahayag ni Lopez
Water shortage in 2030
Iginiit ni Environment Secretary Gina Lopez na ipinatutupad lamang nila kung ano ang naaayon sa batas at wala silang nilalabag dito.
Pahayag ito ng kalihim makaraang ibasura nito ang MPSA o Mineral Production Sharing Agreement sa may pitumpu’t anim (76) na kumpaniya ng minahan sa buong bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Lopez, bagama’t hindi pa operational ang mga kumpanyang kabilang sa mga kinanselang kontrata, malinaw aniya na bawal ang pagtatayo ng minahan malapit o katabi mismo ng mga watershed.
Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Gina Lopez
Binigyang diin pa ng kalihim na wala ring saysay kung magpapatuloy pa ang mga naturang minahan sa mga watershed gayung may nakaambang water shortage sa 2030 dulot na rin ng climate change.
Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Gina Lopez
By Jaymark Dagala | Karambola (Interview)
Photo Credit: DENR