Nilinaw ng Malakaniyang na tanging sa sangay ng ehekutibo lamang suspendido ang pasok ng mga kawani ng pamahalaan sa Disyembre 26 at Enero 2 ng susunod na taon.
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ipinalabas na E.O. o Executive Order ni Executive Secretary Salvador Medialdea kasunod ng pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.
Sinabi ni Roque na hindi saklaw ng nasabing kautusan ang iba pang sangay ng pamahalaan bagama’t naka- Christmas break na ang Kongreso.
Dahil dito, ipina-uubaya na ng Palasyo sa hudikatura, mga independent bodies at commissions ang pagpapasya kung kakanselahin na rin nila ang pasok sa kanilang mga tanggapan o hindi.
Bahala na rin ang mga employer at mga pinuno ng mga kumpaniya kung sususpindehin din ang pasok nito sa kanilang mga tanggapan sa mga nabanggit na araw.