May grupong nagbabalak na ipaligpit o ipatumba ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinunyag ng isa sa mga suspek na naaresto sa Bacolod City sa tangkang pagpupuslit ng iba’t ibang bahagi ng matataas na uri ng armas.
Sa pagharap ng suspek na si Wilford Palma, sinabi nitong may mga nakabili na ng armas sa kanyang boss na si Bryan Taala na gagamitin para i-assassinate si Pangulong Duterte.
Ito ang inamin ng isa sa mga suspek na nahulihang nagpupuslit ng may 4.5 milyong halaga ng mga nakumpiskang armas ng PNP.
Bahagi ng pahayag ni Wilford Palma
4.5 M worth smuggled gun parts
Aabot sa 4.5 milyong pisong halaga ng mga smuggled gun parts ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa Bacolod.
Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, dalawa ang naaresto sa sindikato ng smuggled gun parts na kinilalang sina Wilford Palma at Bryan Taala na dalawang taon na umanong nag-ooperate.
Ito’y kung saan ay may website ang mga ito kung saan kanilang ipinagbibili ang mga piyesa ng iba’t ibang matataas na uri ng armas na ini-smuggle sa bansa sa pamamagitan ng mga balikbayan box.
Sinabi ni Dela Rosa na ang US homeland ang nagbigay sa kanila ng tip kaugnay sa aktibidad ng naturang sindikato.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa
Nanawagan naman si Dela Rosa sa mga nakabili ng piyesa ng baril mula sa mga ipinuslit ng sindikato na makipag-ugnayan sa pulis at isuko ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa
By Ralph Obina