Pinabulaanan ng China ang tangka umanong cyberattacks sa ilang government websites ng Pilipinas.
Tugon ito ng tsina sa ibinunyag ni Department of Information and Communications Technology Undersecretary Jeffrey Ian Dy napigilan nila ang cyberattacks sa websites ng Overseas Workers Welfare Administration.
Una nang inihayag ni Dy na natunton nila ang advanced threat groups na nag-o-operate as chinese territories.
Tinawag ng Chinese Embassy na iresponsable ang nasabing ulat ng opisyal.
Ayon sa Embahada, sa katunayan ay patuloy ang kampanya ng chinese government laban sa lahat ng uri ng cyber attack alinsunod sa batas.
Hindi umano pinapayagan at kinukunsinte ng kanilang pamahalaan ang anumang bansa o sinumang indibidwal na masangkot sa cyber attack at iba pang iligal na aktibidad sa bakuran mismo ng Tsina.