Kumpiyansa ang Malacañang na sa diretso sa kangkungan ang mga planong pagpapabagsak sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng sunud-sunod na birada ng mga kritiko ng Pangulo sa pangunguna ni Senadora Leila de Lima, Senador Antonio Trillanes IV at ang nilulutong malawakang kilos protesta ng Liberal Party kasabay ng EDSA anniversary sa Pebrero 25.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nananatili pa rin sa otsenta (80) porsyento ang acceptance rating ng Pangulo kung pagbabatayan ang pinakabagong survey ng SWS o Social Weather Stations.
Bagama’t itinanggi na ng militar na mayroong destabilization plot laban sa Pangulo, sinabi ni Andanar na hindi pa rin dapat magpaka-kampante at balewalain ang mga lumalabas na intelligence report gayundin ang mga kumakalat sa social media.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)