Itinanggi ng Chamber of Mines of the Philippines o COMP na sila ang nasa likod ng tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa COMP, walang kinasasangkutang anumang destabilisasyon ang kanilang mga miyembro laban sa gobyerno.
Iginiit ng Chamber of Mines na suportado nila ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang tinitiyak ang maayos na pakikipag-tulungan sa administrasyon at pagsunod sa batas.
Isinisi naman ng COMP sa mga anti-mining advocate ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon partikular ang mga larawang ibinigay sa Pangulo na nagpapakita ng active mining areas gayong hindi naman nito inilalarawan ang kumpletong aspeto ng responsible mining.
Kinukondena anya nila ang lahat ng iligal at iresponsableng mining activities na dapat ng tuldukan.
By: Drew Nacino