Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na batid niya kung may layong pabagsakin ng isang hakbangin ang pamahalaan dahil minsan na, aniya, siyang naging bahagi ng destabilisasyon sa ilalim ng Arroyo Administration.
Ayon kay Lacson, malinaw na layon ng paglantad ni SPO3 Arthur Lascañas at planong pagpapaharap sa Apat pang umano’y Davao Death Squad members pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
Sinabi ng Senador na kumbinsido siya na si Senador Antonio Trillanes ang nasa likod ng tangkang destabilisasyon dahil siya ang handler ni Lascañas at self-coinfessed Davao Death Squad hired killer Edgar Matobato.
Sa kabila ito ng pagtanggi ni Trillanes na ang mapagbagsak ang Administrasyong Duterte ang tunay na motibo ng pag-iikot niya sa media at pagpapahaba ng imbestigasyon hinggil sa Davao Death Squad.
By: Avee Devierte / Cely Bueno