Pinigil ng mga otoridad ang mga demonstrador na nagtangkang maglunsad ng kilos protesta sa US Embassy sa Lunsod ng Maynila.
Ayon sa ulat, nasa 180 na indibidwal ang nagsagawa ng demonstrasyon, na sinimulan sa Chinese Embassy sa Makati City.
Subalit hindi na natuloy ang plano ng grupo na magkasa ng protesta sa harap ng Embahada ng Estados Unidos matapos harangin ng mga tauhan ng Manila Police District.
Dahil dito, nagtungo na lamang sa Quezon Boulevard ang mga ito upang doon ituloy ang kanilang programa.
Ilan sa mga isinisigaw ng mga demonstrador ang mga isyung may kinalaman sa salary increase ng mga ordinaryong manggagawa, pagpapatigil sa mga quarrying operation, at pagbuwag umano sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na kanilang ipatutupad ang maximum tolerance sa mga makikiisa sa kilos protesta sa araw ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., bukas.