Muling nagsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, hinggil sa tangkang pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang istasyon ng radyo sa Iloilo, noong nakaraang taon.
Ayon kay Committee Chairman Grace Poe, layunin ng pagdinig na magkaroon ng aksyon ang national government sa usapin.
Layunin din aniya ng kanilang pagdinig, na maipakita na ang laban kontra droga ay walang pinipiling personalidad, oras o lugar.
Sinabi ni Poe na nais din makita ng komite, kung ano ang mga kinakailangang batas na palakasin at pagtibayin, upang maging mas epektibo ang kampanya kontra ilegal na droga.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)