Walang katuturan ang inihaing pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano ayon kay PBA Partylist Representative Jericho Nograles, ang hakbang ni Cayetano na ito ay agad namang kinontra ng ilang kongresista at walang epekto sa kanilang house rules.
Alinsunod kasi ani Nograles sa house rules, pupwedeng magbitiw sa pwesto ang sinumang miyembro ng kamara dahil sa ‘personal choice’ pero hindi na dapat aniyang pinadedesisyunan ng buong kapulungan.
Ibig sabihin, oras na bumaba sa pwesto ang liderato ng kamara, ay dapat agad na ideklarang bakante ang posisyon nito, na siya namang pagbobotohan ng mga Deputy Speakers na pansamantalang hahalili sa nabakanteng posisyon.
Pagdidiin pa ni PBA Partylist Representative nograles, ang naging epekto lang ng naganap na gusot sa liderato ng kamara, ay nasayang na mga panahon na dapat sana’y ginamit na lamang sa pagdinig sa panukalang budget at agad itong maipasa lalo’t nasa gitna ang bansa sa COVID-19 pandemic.